Regular Savings

This is where your monthly savings (contributions) go.
The Pag-IBIG Regular Savings Program is a convenient and government-guaranteed savings facility
that gives you high annual dividend earnings. Save more to earn higher dividends.
Read more below to learn more about your Pag-IBIG Fund Regular Savings!


Pag-IBIG Fund sets aside at least seventy percent (70%) of its annual net income and credits it proportionately to its members’ Pag-IBIG Savings as dividends. This means that the more one has saved, the higher dividends that member shall earn.

Pag-IBIG Fund invests at least 70% of its investible funds in housing finance, as required by its Charter. It also invests in government securities and corporate bonds.

Here are the Pag-IBIG Regular Savings Dividend Rates since 2011.

Year Pag-IBIG Regular Savings Dividend Rate
2023 6.55%
2022 6.53%
2021 5.50%
2020 5.62%
2019 6.73%
2018 6.91%
2017 7.61%
2016 6.93%
2015 4.84%
2014 4.19%
2013 4.08%
2012 4.17%
2011 4.13%
UPGRADE MONTHLY SAVINGS
For Employed Members
• Accomplish the Request to Upgrade Monthly Savings Form and submit to Employer
For Self-Employed and OFW Members
• State desired amount of upgraded savings on your next payment at any Pag-IBIG Fund Branch or accredited collecting partner
1Ano ang dagdag na mga benepisyo para sa miyembro mula sa mas mataas na buwanang hulog sa Pag-IBIG?

Sa pagtaas ng buwanang hulog ng bawat miyembro, dodoble ang kaniyang buwanang naiipon at ang kaniyang taunang dibidendo sa kanyang impok sa Pag-IBIG Fund na kung tawagin ay Pag-IBIG Regular Savings na kanyang matatanggap ng buo sa oras na mag-mature ang kaniyang membership, sa kanyang retirement at sa iba pang mga kadahilanan.

Ito ay dahil simula Pebrero 2024, ang kasalukuyang hulog na P100 ng bawat miyembro at P100 ng kaniyang employer ay parehong magiging P200 na. Kaya’t ang kabuuang buwanang hulog magmula Pebrero na magiging ipon ng isang miyembro sa kanyang Pag-IBIG Regular Savings ay magiging P400.

Dahil dito, tataas din ang maaari niyang mahiram sa ilalim ng Pag-IBIG Multi-Purpose Loan, dahil mas malaki na din ang kaniyang Pag-IBIG Regular Savings na siyang basehan ng kanyang mahihiram.

Patuloy ding magiging mababa ang interes sa Pag-IBIG Housing Loan dahil lalong lalakas ang kaming kakayanang pondohan ang mga loans ng aming mga miyembro. At, bunga ng dagdag na koleksyon, mas marami kaming mga miyembrong mapapautang sa mababang interes sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng ating pamahalaan, para magkaroon sila at ang kanilang pamilya ng sarili nilang bahay.

2Ano ang dahilan kung bakit kailangang magtaas ang buwanang hulog sa Pag-IBIG?

Batid ng Pag-IBIG Fund na kinakailangan ng pataasin ang mga benepisyong natatanggap ng mga miyembro, kabilang dito ang kanilang naiipon sa kanilang Pag-IBIG Regular Savings at ang kanilang maaaring mahiram sa Pag-IBIG Multi-Purpose Loan. Ito ang dahilan kung bakit nararapat ang pagtaas ng hulog.

Ang dating buwanang hulog sa Pag-IBIG Fund na P100 mula sa miyembro ay P100 mula sa employer ay itinakda noon pang 1986 at sa loob ng halos apat na dekada ay hindi na nagtaas o nagbago. Dahil dito, ang halagang naiipon ng mga miyembro ay hindi na tumaas at hindi na sumabay sa inflation at sa pagbabago ng presyo ng mga bilihin. Sa katunayan, ayon sa Consumer Price Index as of September 2023, ang halaga ng P200 noong 1986 ay P1,733 na ang katumbas sa ngayon.

Ito rin ay upang matugunan ang inaasahang halaga na hihiramin ng mga miyembro sa Pag-IBIG Fund at mapanatiling mababa ang interes at abot-kaya ang buwanang bayad sa Pag-IBIG Housing Loan.

3Magkano ang itataas ng buwanang hulog sa Pag-IBIG at kailan ito magsisimula?

Simula Pebrero 2024, ang buwanang hulog sa Pag-IBIG ay P400 na.Ito ay binubuo ng P200 na mula sa miyembro na tatapatan ng kanyang employer ng P200.

Ang halagang ito ay nakabatay sa dalawang porsyento (2%) ng Maximum Fund Salary o MFS na ngayon na nasa P10,000 (2% x P10,000 = P200).

Gayunpaman, maaaring maghulog ang miyembro ng higit sa halagang ito. Ang bawat hulog sa Pag-IBIG ay ipon ng miyembro, na taun-taon ay may tubong dibidendo, at buong ibabalik sa oras na ito ay mag-mature, magretiro ang miyembro o sa iba pang kadahilanan.

4Sakop ba ng pagtaas ng buwanang hulog sa Pag-IBIG ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs)?

Opo. Kasama ang mga OFWs sa ilalim ng bagong buwanang hulog sa Pag-IBIG Fund.

Simula Pebrero 2024, ang buwanang hulog ng mga OFW members ay P200 na, mula sa dating P100. Para sa mga OFWs na may Philippine employers tulad ng mga seafarers, ang kanilang hulog ay tatapatan ng kanilang mga employers ng katumbas na P200.

Gayunpaman, maaaring maghulog ang miyembro ng higit sa halagang ito. Tandaan, mas malaki ang ipon, mas malaki ang halagang pagbabasehan ng kikitaing dibidendo, mas malaki din ang maiipon at makukuhang halaga sa panahon na mag-magture ang ipon o sa oras na magretiro.

5Kasama din ba sa pagtaas ng buwanang hulog sa Pag-IBIG ang mga self-employed members?

Opo. Kasama ang mga self-employed sa ilalim ng bagong buwanang hulog sa Pag-IBIG Fund.

Simula Pebrero 2024, ang buwanang hulog ng mga self-employed members ay P400 na, mula sa dating P200.

Gayunpaman, maaaring maghulog ang miyembro ng higit sa halagang ito. Tandaan, mas malaki ang ipon, mas malaki ang halagang pagbabasehan ng kikitaing dibidendo, mas malaki din ang maiipon at makukuhang halaga sa panahon na magmagture ang ipon o sa oras na magretiro.

6Magkano ang aking magiging buwanang hulog kung sakaling hindi umabot sa P10,000 ang aking sahod sa isang buwan?

Kung sakaling ang kinita ng isang miyembro sa isang buwan ay hindi umabot sa P10,000, ang batayan ng kaniyang hulog at ang hulog ng kanyang employer para sa nasabing buwan ay dalawang porsyento (2%) ng halaga ng kanyang kinita.

7Ang buwanang hulog ko sa Pag-IBIG ay dati ko nang itinaas. Ano ang magiging epekto ng pagtaas ng buwanang hulog sa kasalukuyang halaga na aking ihinuhulog?

Kung ang iyong buwanang hulog ay P200 o higit pa, ito ay umaayon na sa kinakailangan mong ihulog sa Pag-IBIG. At, kung ikaw ay isang empleyado – mapapribado o publikong sektor man – ang iyong employer ay kinakailangang maghulog ng P200 kada buwan para sa iyo simula Pebrero 2024.

Gayunpaman, maaaring maghulog ang miyembro ng higit sa halagang ito. Tandaan na ang bawat hulog sa Pag-IBIG ay ipon ng miyembro, na taun-taon ay may tubong dibidendo, at buong ibabalik sa oras na ito ay magmature, magretiro ang miyembro o sa iba pang kadahilanan.

8Paano kung hindi tumupad ang aking kumpanya o employer sa pagtaas ng buwanang hulog ko sa Pag-IBIG?

Ayon sa batas, ang pagtanggi o hindi pagtupad ng isang employer sa pagpaparehistro ng miyembro, pagkolekta ng kabuuang buwanang hulog at ang pag-remit nito sa Pag-IBIG sa nakatakdang panahon ay may kaukulang multa at parusa.

Kung sakaling ang iyong employer o kumpanya ay hindi tumupad sa bagong buwanang hulog sa Pag-IBIG simula Pebrero 2024, maaari itong ipagbigay alam sa alinmang tanggapan ng Pag-IBIG Fund, sa pagtawag sa (02)87-244244, o sa pag-email sa [email protected].

9Nagsagawa ba ng konsultasyon sa mga miyembro ang Pag-IBIG Fund bago ipatupad ang pagtaas ng buwanang hulog?

Ang pagpapatupad ngayong Pebrero 2024 ng bagong buwanang hulog sa Pag-IBIG Fund ay dumaan sa konsultasyon at umani ng suporta mula sa mga organisasyong kumakatawan sa mga miyembro at business community. Kabilang dito ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), Federation of Free Workers (FFW), Philippine Government Employees’ Association (PGEA), Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. (KAKAMMPI), Kabalikat ng Migranteng Pilipino, Inc. (KAMPI), Kaibigan ng mga OCWs, at iba pang organisasyong kumakatawan sa mga OFWs, at ng Employers’ Confederation of the Philippines (ECOP).

Sa katunayan, simula pa noong taong 2019 ay nakamit na ng Pag-IBIG Fund ang pag-sang-ayon at suporta ng mga labor at employer groups, pati ng mga organisasyong kumakatawan ng mga Overseas Filipino Workers, sa pagtaas ng buwanang hulog ng mga miyembro.

Ngunit, bunsod ng mga hamon na dala ng pandemya sa ating ekonomiya, at bilang pagtugon sa panawagan ng Pangulong Marcos nitong taong 2023, ipinagpaliban ang pagpapatupad ng pagtaas ng buwanang hulog sa Pag-IBIG sa tatlong magkakasunod na taon na 2021, 2022 at 2023.

10Makakaasa ba ako na mapangangalagaan ng Pag-IBIG ang lahat ng aking ihinuhulog?

Opo, lubos kayong makakaasa na pangangalagaan ng Pag-IBIG Fund ang bawat hulog mo, ang bawat hulog ng miyembro.

Matutuwa kayong malaman na noong taong 2023 ay nakapagtala ang Pag-IBIG Fund ng net income na P44.5 bilyon, nakapagpahiram ng kabuuang halaga na P170 bilyon sa housing at cash loans na nakatulong sa 2.71 milyon na mga miyembro, at nakapag-credit ng dibidendo para sa ipon ng mga miyembro sa halagang P42.7 bilyon. Ang mga natamo na ito ng Pag-IBIG Fund ang mga pinakamataas sa kasaysayan nito

Maliban po dito, ang Pag-IBIG Fund ay nakakuha na ng labing-isang sunud-sunod na Unqualified at Unmodified Opinions mula Commission on Audit mula taong 2012 hanggang 2022, na nagpapatunay na ang financial records nito ay nasa wasto at naayon sa applicable financial reporting frameworks. Ang mga ito ay ilan lamang sa mga patunay sa mahusay at maigting na pangangalaga ng Pag-IBIG Fund sa bawat hulog ng lahat ng miyembro.