1Ano ang Non-Life Insurance (NLI) o Fire and Allied Perils Insurance (FAPI)?

Ang Non-Life o Fire and Allied Perils Insurance ay isang taunang renewable insurance na bahagi ng binabayaran sa ilalim ng Pag-IBIG housing loan program. Ito ay maaaring i-apply at gamitin ng Pag-IBIG Housing Loan borrower kung ang property o ari-arian na ini-loan sa Pag-IBIG ay napinsala o nawala dulot ng sunog/kidlat, lindol, bagyo/baha, pagputok ng bulkan at sinkhole at iba pang di inaasahang at/o biglaang sakuna.

2Sino ang maaaring maka-avail ng Non-Life o Fire and Allied Perils Insurance claim?

Ang Pag-IBIG Fund Housing Loan borrowers na biktima ng sakuna o kalamidad ay maaaring maka-avail ng Non-Life o Fire and Allied Perils Insurance claim, maliban lamang sa nag-loan bilang pambili ng lupain lamang (Purchase of Lot only). Bukod dito, kinakailangan din na ang loan ay walang arrears o mintis sa pagbabayad ng higit sa labing-isang (11) buwan.

3Hanggang kailan maaaring mag-apply o mag-file ng Non-Life o Fire and Allied Perils Insurance claim?

Ang apektadong Pag-IBIG Fund Housing Loan borrower ay maaaring mag-apply ng NLI o FAPI claim sa loob ng anim (6) na buwan, mula sa araw ng nangyaring kalamidad o sakuna.

4Anu-anong dokumento ang kailangang ihanda sa pag-file ng claim?
  • Kumpletong Application Form para sa Non-Life Insurance Claim (HQP-HLF-717);
  • Talaan ng halaga ng pinsala/bill of materials.
    • Kung ang sakuna ay nagdulot ng total loss of property, ito ay kinakailangang pirmado ng isang Kontraktor;
    • Kung ito naman ay nagdulot ng partial damage lamang, ito ay kinakailangang pirmado ng isang foreman o ng isang karpintero;
  • Sampu o higit pang orihinal na kopya ng malinaw at colored na mga larawan ng napinsalang property na kinuhaan sa magkakaibang anggulo;
  • 2 valid IDs ng nag-aapply na Principal Borrower;
  • Kung ang mag-aapply ay co-borrower o representative lamang, kelangan din magbigay ng orihinal na kopya ng notaryadong Special Power of Attorney (SPA) ng Principal Borrower, at photocopy ng dalawang (2) valid IDs na kita ang harap at likod na kopya ng IDs
5Paano mag-file ng claim para sa napinsala ng bagyo o baha?

Agad na makipag-ugnayan at magsumite ng mga kinakailangang dokumento sa pinakamalapit na Pag-IBIG Fund office.

6Anu-anong mga pinsala ang maaaring saklawin ng Non-Life Insurance?

Pinsala o damage lamang sa bahay na dulot ng kalamidad o sakuna ang saklaw ng NLI. Ang mga kagamitan sa bahay katulad ng furnitures at appliances ay hindi sakop nito.

7Gaano katagal ang proseso ng insurance claim?

Matapos maisumite ang mga kumpletong dokumento, mapro-proseso ang inyong insurance claim sa loob ng five (5) working days.

8Paano matutukoy ang halaga ng insurance claim?

Mayroong Insurance adjuster/inspector na bibisita sa napinsalang property at siyang magsusuri ng lawak ng pinsala at ng kabuuang halaga ng mga aayusin, alinsunod sa mga umiiral na alituntunin ng polisiya.

Kalakip sa mga alituntuning ito ang naaayon na pagbawas ng applicable depreciation ng property at iba pang deductibles mula sa halaga ng claim. Ang magiging basehan ng pagtatasa o valuation ng claims ay ang sound value ng property o ang replacement cost sa panahon ng pinsala matapos bawasin ang accrued depreciation ng property.

9Matapos magsumite ng mga kailangang dokumento sa Pag-IBIG office, kailan pupuntahan at susuriin ng Insurance Adjuster/Inspector ang aking property?

Kayo ay makatatanggap ng tawag mula sa Insurance Adjuster/Inspector para sa schedule ng pagbisita sa inyong napinsalang property.

10Paano kung ang napinsalang bahay ay nangangailangan ng agarang pagsasaayos o paglilinis bago pa man ang inspeksyon ng Insurance Adjuster/Inspector?

Mahalagang makuhaan agad ng larawan ang property na nasira o naapektuhan ng kalamidad, bago pa man isagawa ang pagsasaayos o paglilinis ng property.

Siguraduhin ding maitatabi ang mga resibo at dokumento na may kinalaman sa pagsasaayos na inyong ginawa. Kailangan ang mga ito para maproseso ang reimbursement ng halagang nagastos para sa pagsasaayos o paglilinis ng property.

11Mayroon bang kailangang bayaran sa pagproseso ng insurance claim?

Ang claimant ay may kaukulang portion sa pinsala sa bawat item ng insured property, na katumbas ng 2% ng actual cash value sa oras ng sakuna. Ang nasabing bayarin ay ibabawas naman sa magiging insurance proceeds ng claimant.

12. Ano ang kailangan gawin kung may multiple insurance policies mula sa iba’t ibang providers?

Kailangan lamang ipagbigay-alam sa accredited insurance providers. Bawat isa sa mga providers ay may kaukulang obligasyon sa insurance claim, base sa nakasaad at saklaw ng kanilang kontrata.