Ang Pag-IBIG Fund po ay naglalayong matulungan ang mga miyembro nito na lubos na naapektuhan ng bagyong Kristine. Isa sa mga paraang ito ay ang pagbibigay ng one-month moratorium para sa Pag-IBIG housing loan borrowers sa pagbabayad ng kanilang housing loan. Ibig pong sabihin nito ay binibigyan ang borrower ng palugit o pagkakataon na ipagpaliban ng isang buwan ang pagbabayad ng kanilang housing loan amortization na hindi napapatawan ng penalty o dagdag interes.
Ang isang Pag-IBIG Housing Loan borrower/buyer na maaaring labis na naapektuhan ng bagyong Kristine ay maaaring mag-apply ng one-month moratorium, batay sa sumusunod:
- Ang kanilang ini-loan na property sa pamamagitan ng Pag-IBIG housing loan programs ay kabilang sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity dahil sa bagyong Kristine, o
- Apektado ang kanilang pinagkakakitaan o source of income dahil sa pananalasa ng bagyo.
Paalala po na kailangang ang miyembro na mag-a-avail ng moratorium ay updated ang amortization o hulog sa kanyang Pag-IBIG housing loan sa buwan bago ang pagdedeklara ng state of calamity sa lugar.
Hindi po. Ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang ibang housing loan borrowers/buyers na hindi interesadong ma-extend ang kanilang loan term at gustong tuluy-tuloy lamang ang pagbabayad ng kanilang housing loan amortization.
Maaaring i-download ang application form at checklist of requirements sa Pag-IBIG Fund website.
Ang application form ay maaaring i-submit sa alinmang Pag-IBIG branch ng mismong borrower o buyer. Maaari din itong ipasa ng kanyang asawa o duly authorized representative. Kailangan lamang po na magpasa ang kanyang asawa o ang kanyang representative ng Special Power of Attorney (SPA) na mada-download sa Pag-IBIG Fund website.
Ang Pag-IBIG Housing Loan borrower na nais mag-avail ng moratorium ay maaaring mag-submit ng kanyang application hanggang 31 December 2024.
Opo. Ang mga interesadong housing loan borrowers ay maaari pong mag-apply online sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG website.
Para po sa borrowers/ buyer na mag-aapply sa Virtual Pag-IBIG:
- Magtungo sa Virtual Pag-IBIG website. I-click ang “Virtual Pag-IBIG For Member,” “Apply for Loans and Management,” at “Apply for Loan Moratorium” tabs.
- I-encode ang inyong Pag-IBIG Housing Account Number (HAN), pumili ng dahilan ng aplikasyon sa listahan, at i-click ang “Verify.”
- Matapos ang successful validation, i-upload ang hinihinging requirements para makumpleto ang inyong application.
- Makakatanggap ng SMS confirmation o pop-up message kung successful ang inyong moratorium application.
Para po sa borrowers/ buyer na mag-aapply sa Virtual Pag-IBIG:
- Pumunta sa pinakamalapit na Pag-IBIG Fund branch.
- Sagutan at ipasa ang application form para sa moratorium.
- May nakatakdang Lingkod Pag-IBIG na magpapaliwanag ng mga guidelines ng programa at ng mga susunod na proseso patungkol sa inyong moratorium application.
Wala pong processing fee na kailangang bayaran para makapag-apply sa moratorium program na ito.
a. Kung ang borrower o buyer po ay nakapagbayad na ng kanyang amortization/installment bago mag-submit ng kanyang application, ang moratorium period ay magsisimula sa pinakamalapit na due date matapos ang petsa ng approval ng inyong application;
b. Kung ang borrower o buyer po ay hindi pa nakakapagbayad ng kanyang amortization/installment sa petsa na siya ay nag-submit ng kanyang application subalit pasok pa rin sa itinakdang availment period, ang moratorium period ay magsisimula sa pinakamalapit na due date matapos ang petsa ng pinakahuling payment ng borrower/buyer.
Ang moratorium po ay magiging epektibo lamang sa loob ng isang buwan matapos ma-approve ang iyong application. Matapos ang moratorium period na ito ay magre-resume o maibabalik po sa dating schedule ang inyong housing loan amortization/installment.
Ang corresponding premiums naman po para sa Mortgage Redemption Insurance (MRI) and Non-Life Insurance sa loob ng moratorium period ay maaaring bayaran ng borrower o buyer ng diretso over the counter sa kahit saang Pag-IBIG branch. Maaari ding ibawas na lamang sa advance insurance premiums ng borrower/ buyer.
Opo, ang borrower o buyer po ay maaari pa ring magbayad ng kaniyang amortization/installment kahit sa loob ng moratorium period. Ang bayad o hulog na ito ay ia-apply sa buwan kung kailan magsisimula ulit ang pagbabayad ng borrower o buyer.
Ang atin pong mga miyembro na naapektuhan ng bagyo o kalamidad at isinailalim sa state of calamity ang kanilang lugar ay maaari ding mag-apply para sa Pag-IBIG Calamity Loan kung saan maaaring makapag-loan ng hanggang 80% ng halaga ng kanyang Regular Savings.
Para sa mga miyembro naman po na ang tirahan o lugar ng trabaho o pinagkakakitaan ay hindi isinailalim sa state of calamity, maaari po silang mag-avail ng Pag-IBIG Multi-Purpose Loan
.Ang mga loan programs po na ito (sa ilalim ng Short-term Loan programs) ay naglalayong magbigay ng madaliang tulong pinansiyal sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyong Kristine.
Ang mga Pag-IBIG housing loan program borrowers naman na ang bahay o property na naka-loan sa Pag-IBIG Fund ay na-damage, nagiba, o nasira dahil sa bagyong Kristine ay maaaring mag-file ng claims sa ilalim ng Non-Life Insurance. Maaaring mag-submit ng NLI Claim Application Form, kasama ang mga kinakailangang dokumento sa pinakamalapit na Pag-IBIG Fund office sa loob ng anim (6) na buwan mula sa araw ng nangyaring kalamidad o sakuna.
Para sa karagdagang kaalaman, pumunta lamang sa: www.pagibigfund.gov.ph, tumawag sa (02) 8724-4244, o mag-email sa [email protected].