Ang moratorium ay postponement of payment or extension of payment due date, na ang resulta ay ang pagpapahaba ng loan term.
Ang Pag-IBIG Fund ay nag-aalok ng tatlong buwang moratorium o postponement sa pagbabayad ng loan para sa mga miyembrong may Pag-IBIG Housing Loan, Multi-Purpose Loan (MPL) o Calamity Loan, na lubos na naapektuhan ng sitwasyong dulot ng COVID-19.
Sa ganitong pag-postpone ng due date sa mga loan payments, mapapahaba rin ang loan term ng nasabing loan ng tatlong buwan.
Ang mga loan payments na due o kailangang bayaran mula Marso 16 hanggang Hunyo 15, 2020 ang ma-eextend. Ibig sabihin, kung ang payment due date ninyo ay Marso 16, ito ay uurong sa Hunyo 16. Ang mga kasunod na due dates ay uurong na din, matapos nito.
At kung ang moratorium ay para sa inyong housing loan, dapat ay hindi lumagpas sa 70 years old ang inyong edad sa huling buwan ng pagbabayad sa inyong loan kapag nai-adjust na ang loan payment period matapos i-apply ang moratorium at maiurong ang lahat ng due dates.
Ito ay maaaring apply-an ng mga miyembrong kasalukuyang may Pag-IBIG Fund Housing Loan, Multi-Purpose Loan o Calamity Loan na lubos na naapektuhan ang pangkabuhayan at kita o 'di kaya'y pansamantalang nawalan ng trabaho o negosyo dahil sa pagsasailalim ng bansa sa State of Calamity at State of Public Health Emergency.
Kung ang inyong Pag-IBIG Housing Loan ay napapabilang sa aming Affordable Housing Loan Program kung saan ang inyong nahiram ay ‘di hihigit sa P750,000 maaari na po agad itong mai-apply for moratorium.
Puwede po. Maaari niyo pa rin itong mai-apply for moratorium. Kailangan lamang ay updated ang inyong pagbabayad as of 16 March 2020.
Puwede pa rin kayong mag-apply ng 3-month moratorium, subalit ito ay dadaan muna sa evaluation. Ipinapaalala po namin na maaaring hindi lahat ng application na aming matatanggap ay maaaprubahan.
Maaari ninyong i-apply para sa 3-month moratorium ang inyong Pag-IBIG MPL kung kayo ay nakapagsimula na ng pagbabayad nito bago 16 March 2020. Hangga’t maaari ay updated din dapat ang pagbabayad nito. Kung may ‘di kayo nabayaran sa inyong MPL, hindi ito dapat lumagpas sa anim (6) na buwang bayad.
Ganito din ang patakaran para sa Calamity Loan.
Opo. Kinakailangan po nilang mag-apply para sa moratorium na ito.
Ang 3-month moratorium ay assistance na inaalok ng Pag-IBIG sa mga borrowers na lubos na naapektuhan ng kalagayan ngayon dulot ng COVID-19 pandemic. Gayunpaman, maaaring may mga miyembrong may sariling dahilan at kakayanan upang ipagpatuloy ang kanilang loan payments sa mga panahong ito. Sa pamamagitan ng pag-apply, binibigyan namin ang aming mga miyembro ng pagkakataong makakuha ng moratorium o magpatuloy sa kanilang pagbabayad ng loan.
Ang application para sa moratorium ay maaaring gawin online, sa pamamagitan ng Virtual Pag-IBIG. Para mag-apply, pumunta lamang sa link na ito www.pagibigfundservices.com/virtualpagibig/LoanMoratorium.aspx.
0Pakitandaan po lamang ang reference number na inyong matatanggap bilang patunay na ang iyong aplikasyon ay aming natanggap.
Maaari po kayong mag-apply hanggang Hunyo 15, 2020.
Hindi po. Ito po ay aming i-eevaluate ayon sa patakaran na nilaan para dito.
Amin pong ipapaalam sa inyo sa pamamagitan ng text message o e-mail ang resulta ng inyong aplikasyon.
Hindi po. Ang moratorium ay pag-uurong ng due dates ng inyong loan. Oras na ma-approve ang inyong moratorium application, uurong ang due date ng pagbabayad sa inyong loans.
Halimbawa, kung ang inyong due date sa loan payment ay Marso 16, maiuurong ito ng Hunyo 16. Ang due date sa Abril ay uurong sa Hulyo, at ang due date sa Mayo ay uurong naman ng Agosto. Wala itong penalty o interest kahit naiurong ang due date o deadline ng pagbabayad. At, halagang one-month na payment pa rin ang babayaran sa extended o sa bagong due date ninyo.
Wala pong processing fee ang pag-apply sa moratorium na ito.
Ang babayaran niyo po lamang kung sakaling maaprubahan ang inyong aplikasyon ay ang tatlong buwang insurance premiums na idaragdag sa unang loan payment ninyo na base sa inyong extended due date.
Ang inyong PDCs ay naka-hold magmula pa nuong 23 March 2020. Hindi po namin ito ide-deposit sa mga panahong sakop ng in-approve na moratorium schedule ninyo.
Subalit, kung hindi po kayo mag-aaply for moratorium o 'di kaya'y ang inyong aplikasyon ay di maaprubahan, ang inyong mga tseke na maaari nang maideposit ay aming idedeposit oras na matapos ang Enhanced Community Quarantine sa inyong lugar.
Ang mga naibayad po ninyo sa mga petsa na sakop ng moratorium ay ituturing na advance payment sa inyong loan.
Makakatanggap po kayo ng abiso sa kailangang ninyong bayaran upang ma-update ang inyong loan account sa Pag-IBIG. Ito ay sa pamamagitan ng isang billing statement na ipapadala sa inyo kung ito ay Pag-IBIG Housing Loan, o sa pamamagitan ng inyong employer kung ito ay Pag-IBIG Multi-Purpose Loan o Calamity Loan.
Opo.
Ang 3-month moratorium na ito ay inaalok po namin sa lahat ng aming miyembro sa buong bansa, kasama na po dito ang ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na lubos na naapektuhan ang pangkabuhayan at kita o ‘di kaya’y pansamantalang nawalan ng trabaho o negosyo dahil sa pagsasailalim ng bansa sa State of Calamity and State of Public Health Emergency.
Hindi po. Ito ay dahil sa grace period na aming awtomatikong ibinibigay sa lahat ng loan payments, alinsunod sa Republic Act No. 11469 o “Bayanihan to Heal as One” Act.
Ibig sabihin nito, kung hindi kayo nag-apply para sa moratorium o extension of payment due date para sa alinman sa inyong loans, kayo ay makakatanggap pa rin ng grace period sa inyong mga loan payments mula Marso 17 hanggang matapos ang pagsasailalim ng inyong lugar sa Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Gayunpaman, tatakbo ang interes nito sa panahon ng nasabing grace period, na maaari ninyong bayaran anumang oras sa loob ng inyong loan term.
Pakitandaan po na kinakailangan po ninyong bayaran ang mga principal loan payments ninyo pagkalipas ng nasabing grace period, bago o sa takdang araw ng inyong susunod na due date.
Hindi po. Ito ay dahil sa grace period na aming awtomatikong ibinibigay sa lahat ng loan payments, alinsunod sa Republic Act No. 11469 o “Bayanihan to Heal as One” Act.
Ibig sabihin nito, kung ‘di naaprubahan ang inyong aplikasyon para sa moratorium o extension of payment due date, kayo ay makakatanggap pa rin ng grace period sa inyong mga loan payments mula Marso 17 hanggang matapos ang pagsasailalim ng inyong lugar sa Enhanced Community Quarantine o ECQ.
Gayunpaman, tatakbo ang interes nito sa panahon ng nasabing grace period, na maaari ninyong bayaran anumang oras sa loob ng inyong loan term.
Pakitandaan po na kinakailangan po ninyong bayaran ang principal loan payments ninyo pagkalipas ng nasabing grace period, bago o sa takdang araw ng inyong susunod na due date.
Opo.
Maaari pa rin po kayong mag-apply para sa ibang loans at benepisyo ng Pag-IBIG Fund matapos mag-apply para sa moratorium o extension of payment due date na ito.
Opo.
Maaari po ninyong i-apply for moratorium ang lahat ng inyong Pag-IBIG Fund Loans sa ilalim ng moratorium na ito upang aming ma-evaluate.
Opo.
Maaari ninyong i-request sa inyong employer na sila ang mag-apply ng 3-month moratorium o extension of payment due date ng inyong Pag-IBIG Fund Multi-Purpose Loan o Calamity Loan.