Sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Program ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), mas abot-kaya na ang pabahay para sa mga Pag-IBIG members.


Anu-ano ang pakinabang ng 4PH Program?

Paano Mag-Qualify Sa 4PH Program?




Matapos makapasa sa pre-qualification requirements ng LGU at DHSUD, ihanda ang mga sumusunod para sa iyong Pag-IBIG Housing Loan sa ilalim ng 4PH Program.

Qualifications

• Must be a nominee of the LGU and DHSUD based on the prioritization of the beneficiaries in accordance with the following:

  • A first-time homeowner

      *If not a first-time homeowner, you may still apply for the 4PH Program, provided that the interest subsidy will be waived.

  • Within the low-income classification

• For Overseas Filipino Workers (OFWs), must be a nominee of the Department of Migrant Workers (DMW).

•  Active Pag-IBIG member with at least 24 months savings. If not yet a Pag-IBIG member, register here

•  Not more than 65 years old at the date of loan application and is not more than 70 years old at the date of loan maturity

•  Legal capacity to acquire and encumber real property

•  Has passed satisfactory background/credit and employment/business checks

•  No outstanding Pag-IBIG Short-Term Loan (STL) in arrears at the time of application

•  No Pag-IBIG housing loan foreclosed, cancelled, bought back, or voluntarily surrendered

Requirements

1. Must be a nominee of the LGU, Department of Migrant Workers, or any participating Organization/Institution as lead agency, and /or DHSUD.

2. Two (2) copies of completely filled out Housing Loan Application Form (HQP-HLF- 068/HQP-HLF- 069)

3. Proof of Income

For Locally Employed Individuals

• Certificate of Employment and Compensation (CEC), indicating the gross monthly income and monthly allowances or monthly monetary benefits received by the employee (1 original copy) duly signed by the authorized signatory of the employer. For system generated CEC, the signature of authorized signatory of the employer must be reflected in the said CEC.

• Latest Income Tax Return (ITR) for the year immediately preceding the date of loan application, with attached BIR Form No. 2316, duly acknowledged by the BIR or authorized representative of employer. (1 photocopy)

• One (1) Month Payslip, within the last three (3) months prior to date of loan application with name and signature of the authorized signatory of employer. (1 certified true copy)

NOTE:
For government employees who will be paying their loan amortization through salary deduction, the original copy of one (1) Month Payslip, within the last three (3) months prior to date of loan application, must be submitted together with CEC or ITR as mentioned above.

For Self-Employed Individuals

• ITR (1 certified true copy) (BIR Form No. 1701) duly certified by BIR, Audited Financial Statements (1 photocopy), and Official Receipt of tax payment from bank supported with DTI Registration and Mayor’s Permit/Business Permit (1 photocopy) and sketch of business location.

• Commission Voucher (1 photocopy) or Certification of commission received (1 original copy) reflecting the issuer’s name and contact details (for the last 12 months).

• Bank Statements (1 original copy) or passbook (1 photocopy) for the last 12 months (in case income is sourced from foreign remittances, pensions, etc.) with authorization from the depositor to conduct bank verification indicating the following information (account name, type, number, opening date, depository bank, signature over printed name of depositor and details of credit investigator from Pag-IBIG Fund).

• If income is derived from rental payments, submit a Notarized Lease Contract and proof of ownership or rights over the property subject of lease (1 photocopy)

• Certified True Copy of Transport Franchise issued by appropriate government agency (LGU for tricycles, LTFRB for other PUVs, MARINA for sea transportation) and a valid Official Receipt/Certificate of Registration (1 photocopy)

• Certificate of Engagement issued by owner of business/person availing of services (1 original copy)

• ITR BIR Form No. 1701 for fees on professional services, commissions, or services rendered for the last 12 months. You should submit ITR BIR Form No. 2307 (1 photocopy) to support/supplement the income document mentioned above.

• Other documents that would validate source of income

For Overseas Filipino Workers (OFW)

• Employment Contract duly certified by POEA, Philippine Consular Office at Host Country within the past 12 months

      • CEC written on the Employer/Company’s official letterhead (1 original copy); or
      • CEC signed by employer (for household staff and similarly situated employees) supported by a photocopy of the employer’s ID or passport (1 original copy);

• Other applicable documents as may be needed:

      • Payslip indicating income received and period covered (1 photocopy)
      • Valid OWWA Membership Certificate (1 photocopy)
      • Overseas Employment Certificate (1 photocopy)
      • Passport with appropriate Working Visa (1 photocopy)
      • Residence card/permit to stay indicating work as the purpose (1 photocopy)
      • Bank remittance record (1 original copy)

4. One (1) Valid Identification Card with photo and signature

5. Updated Real Estate Tax Receipt/s as of the quarter immediately preceding the date of application

6. Health Statement Forms


Steps to Apply


Step 1

Magpalista bilang benepisyaryo sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan
sa inyong lokal na pamahalaan (Local Government Unit).

Step 2

Tanungin sa LGU ang mga proyekto sa ilalim ng 4PH Program sa inyong lugar.
Pagkatapos makapili ng proyekto, sundin ang mga requirements na itatalaga ng LGU
sa kanilang pre-qualification assessment.

Step 3

Ihanda ang inyong Pag-IBIG Housing Loan Application. Pagkatapos nito ay isusumite
ng LGU ang listahan ng qualified applicants sa Pag-IBIG Fund para masimulan ang
assessment at proseso ng pag-approve ng inyong Pag-IBIG Housing Loan.

Step 4

Ang LGU ang magsasagawa ng pre-qualification assessment upang makasama ang
inyong pangalan sa opisyal na listahan ng mga benepisyaryo ng 4PH.

Questions and Answers

1Ano ang Pag-IBIG Housing Loan para sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino (4PH) Program?

Ang Pag-IBIG Housing Loan para sa 4PH Program ay isang programa ng pagpapautang para sa mga kwalipikadong miyembro ng Pag-IBIG upang sila ay makabili ng sariling bahay mula sa mga proyektong isinusulong ng mga lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).


Sa ilalim ng programang ito, nilalayon ng Pag-IBIG Fund at ng DHSUD na tugunan ang pangangailangan sa pabahay ng mga manggagawang Pilipino sa bawat probinsiya, siyudad, at sa pamamagitan ng mas abot-kayang housing loan.

2Ano ang maaaring gawin ng isang kwalipikadong miyembro ng Pag-IBIG sa loan na ito?

Ang Pag-IBIG Housing Loan para sa 4PH Program ay maaaring gamitin ng kwalipikadong miyembro ng Pag-IBIG Fund upang makabili ng residential unit sa isang 4PH housing project ng lokal na pamahalaan na kanyang kinabibilangan.

3Ano ang pinagkaiba ng Pag-IBIG Regular Housing Loan Program at ng Pag-IBIG Housing Loan para sa 4PH Program?

Ang Pag-IBIG Regular Housing Loan Program ay ang pangunahing programa ng pagpapautang para sa pabahay ng isang Pag-IBIG member para makabili ng property sa mga pribadong indibidwal o sa mga accredited developers ng Pag-IBIG Fund. Ang Pag-IBIG Housing Loan para sa 4PH Program ay para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund na nagnanais makabili ng pabahay o unit na nasa ilalim ng isang 4PH project na ipinapatupad ng lokal na pamahalaan sa pakikipag-ugnayan sa DHSUD.


Ang Pag-IBIG Regular Housing Loan Program ay may interes sa pautang na mas mababa sa karaniwang loan program sa merkado. Ngunit ang Pag-IBIG Housing Loan para sa 4PH ay may mas abot-kayang interes sapagkat sa tulong ng national government ay napagkakalooban ng subsidy ang mga benepisyaryo ng mga proyekto sa ilalim ng 4PH. Ang subsidy na ito ay karagdagang tulong upang mas mapababa pa ang amortization o buwanang hulog ng borrower-beneficiary.

Ang Pag-IBIG Housing Loan para sa 4PH Program ay:

  • Mas ABOT-KAYA – Mas pinamurang halaga dahil may Price Subsidy ang mga maaaring mabiling residential unit
  • Mas MABABANG INTEREST RATES – Mas pinababang amortization dahil may Interest Subsidy bilang tulong na hatid ng national government at ng DHSUD.
  • May TULONG PANGHULOG NA HATID ng pamahalaan – Sa pamamagitan ng Amortization Subsidy o ang buwanang tulong pinansiyal na maaaring maibigay ng inyong lokal na pamahalaan (Local Government Unit).
  • Nagbibigay ng mas maayos na tahanan sa pamamagitan ng In-City Resettlement o paglalagay ng mga proyekto sa loob mismo ng siyudad
4Paano maging kwalipikado para sa Pag-IBIG Housing Loan para sa 4PH Program?

Para maging kwalipikado sa programa, ikaw ay kinakailangang:

  • Rehistrado at aktibong miyembro ng Pag-IBIG Fund. Ang isang aktibong miyembro ng Pag-IBIG Fund ay kailangang may isang buwang hulog o savings sa loob ng nakaraang anim (6) na buwan.
  • Mayroong dalawamput-apat (24) na buwang Pag-IBIG membership savings;
    • Kung hindi pa kasalukuyang miyembro ng Pag-IBIG Fund, kinakailangan niyo lamang pong magpa-miyembro at maghulog ng katumbas ng dalawamput-apat (24) na buwang hulog sa pamamagitan ng “lump sum payment” o isahang bayad ng inyong membership savings.
    • Kung hindi umabot sa kabuuang dalawamput-apat (24) na buwan ang naihulog na membership savings, maaari po kayong mag-“lump sum payment” ng kakulangan sa nararapat na kabuuang hulog.
  • Kasama sa listahan ng benepisyaryo ng iyong LGU, Department of Migrant Workers (DMW), kasali sa mga nabibilang na organisasyon o institusyon, o ng DHSUD para sa 4PH program. Kabilang sa mabibigyang prayoridad sa listahang ito ay ang mga sumusunod:
        a. First-time homeowner; at
        b. Mga kabilang sa low-income group batay sa pamantayan ng DHSUD
  • May edad na hindi lalagpas sa animnaput-limang (65) taon sa petsa ng aplikasyon at hindi lalagpas sa pitumpung (70) taon sa petsa ng maturity ng loan;
  • Walang Pag-IBIG Housing Loan na na-foreclose, na-cancel, o na buy-back dahil sa pagka-default, o ari-arian na naipasailalim sa dacion en pago, kung saan kasama na rito ang mga pagkakataon na nag-surrender na ng property at nagdeklara na hindi na interesadong ituloy ang loan; at
  • Kung mayroong kasalukuyang Pag-IBIG Short-Term Loan (STL), ang account ay dapat na updated sa petsa ng loan application.
5Magkano ang maaaring mai-loan sa programang ito?

Kung ikaw ay isang kwalipikadong miyembro ng Pag-IBIG, maaari kang makapag-loan ng hindi lalagpas sa itinakdang price ceiling sa ilalim ng 4PH.


Ang halaga ng loan ay base sa pinakamababa ng alinman sa mga sumusunod:

      a. Aktuwal na pangangailangan;
      b. Nais na loan amount;
      c. Halaga base sa iyong kapasidad na magbayad; at,
      d. Loan-to-Appraised Value ratio

6Gaano katagal ang loan term ng Pag-IBIG Housing Loan para sa 4PH Program?

Maaari kang pumili ng iyong nais na loan term na hindi hihigit sa tatlumpung (30) taon, at ang repayment period ay hindi lalagpas sa ika-pitumpung (70) taong kaarawan ng borrower.

7Anu-ano ang interest rates ng Pag-IBIG Housing Loan para sa 4PH Program?

Ang interest rates ng Pag-IBIG Housing Loan para sa 4PH ay mas pinababa dahil sa Interest Subsidy o tulong na ibibigay ng DHSUD. Ang interest subsidy na ito ay maaaring umabot sa 5% kada benepisyaryo.


Halimbawa, kung ang iyong napili na repricing period ay 3-taon na mayroong 6.25% interest rate, ang iyong babayaran ay 1.25% na lamang dahil sa ibabawas na 5% interest subsidy ng DHSUD.


Ito ang iba pang halimbawa* ng interest rate computation:


8Paano magsumite ng aplikasyon para sa Pag-IBIG Housing Loan para sa 4PH Program?

Kung ikaw ay isang Pag-IBIG member na interesadong mapabilang sa listahan ng mga benepisyaryo sa ilalim ng 4PH Program, makipag-ugnayan muna sa inyong lokal na pamahalaan (Local Government Unit) upang malaman kung anu-ano ang mga proyekto sa ilalim ng 4PH Program sa inyong lugar. Pagkatapos makapili ng proyekto, sundin ang mga requirements na itatalaga ng LGU sa kanilang pre-qualification assessment


Pagkatapos nito ay isusumite ng LGU ang listahan ng qualified applicants sa Pag-IBIG Fund para masimulan ang assessment at proseso ng pag-approve ng inyong Pag-IBIG Housing Loan.


Tandaan na ang inyong LGU ang magsasagawa ng pre-qualification assessment upang makasama ang inyong pangalan sa opisyal na talaan ng mga benepisyaryo ng 4PH.

9Kapag ang aplikasyon ay naaprubahan, paano makakapagbayad ng amortization o buwanang hulog para sa Pag-IBIG Housing Loan para sa 4PH Program?

Maaaring makapagbayad ng Pag-IBIG Housing Loan para sa 4PH Program sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:


  • Salary deduction sa bisa ng Collection Servicing Agreement sa pagitan ng inyong employer at Pag-IBIG Fund;
  • Pagsumite ng post-dated checks;
  • Auto-Debit Arrangement sa mga bangko;
  • Online gamit ang Virtual Pag-IBIG website, o
  • Virtual Pag-IBIG Mobile App.

Maaari ring makapagbayad ng monthly amortization sa kahit saang Pag-IBIG Fund branch, o sa aming accredited collecting partner outlets o sa kanilang online payment channels.