|
Home > News Room
PATUBIG SA SOUTHVILLE RESETTLEMENT, CABUYAO

PATUBIG SA SOUTHVILLE RESETTLEMENT, CABUYAO . Sinuri ni Bise Presidente at Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Noli “Kabayan” De Castro ang tubig mula sa shallow well sa Southville Resettlement Site sa Cabuyao, Laguna, habang nakatingin si Health Secretary Francisco Duque III. Pinag-utos ni Bise Presidente De Castro ang pagtatakip ng mga shallow well at ang madaliang pagtatayo ng karagdagang artesian wells na mas ligtas na pinagkukunan ng tubig inumin. Kamakailan ay namahagi din ang NHA at HUDCC ng mahigit 700 kulambo at 362 katol bilang pangkontra sa dengue. Sa kasalukuyan, may 6,916 pamilya ang nakalipat na sa Southville mula sa riles. (photo by Patricio Roel Pira).
|